P15M jackpot ng 6/45 Mega Lotto kinubra ng Bulakenyo

NAIUWI na ng isang Bulakenyong newspaper dealer ang P15 milyon jackpot prize na kanyang napanalunan nang solong masapul ang lumabas na kombinasyon sa 6/45 Mega Lotto na binola nitong Nobyembre 5 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II kaninang umaga sa mapalad na lotto bettor ang tsekeng may kabuuang halaga ng P15,143,142.60 na katumbas ng tinamaang kombinasyong 02-45-44-13-27-24 mula sa P40 na taya.

Plano ng masuwerteng Bulakenyo na gamitin ang bahagi ng napanalunang salapi sa pagpapalago ng kanyang negosyo, maglaan sa edukasyon ng kanyang tatlong anak at tulungan ang kanyang mga mahihirap na kaanak.

Napag-alaman na sa 17-taong pagtaya ng mapalad na lotto bettor, hindi niya kinakalimutang tayaan ang numero na kinuha niya mula sa petsa ng kapanganakan ng kanyang mga mahal sa buhay hanggang sa tuluyang tumama ang kanyang inaalagaang kombinasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply