P15M kontrabando nasabat ng Phil Navy

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy ang mahigit sa P15 million halaga ng puslit na kontrabando sa karagatang malapit sa Isla Tulian, Sulu, lulan ng isang lantsa, sa ulat ng kanilang tagapagsalita.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Marine Col. Omar Tonsay, ala una ng hapon kahapon nang namataan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Hukbong Dagat ang lantsa na may kahina-hinalang kargamento.

Sa impormasyong ibinahagi ni Tonsay, isang  aggressive maritime interdiction operation ang agad na isinagawa ng mga tauhan ng  Naval Forces Western Mindanao (NFWM) PN malapit sa Chinese Pier, Jolo, Sulu.

Sa isang maikling habulan ay nasabat ng mga operatiba mula sa barko ng Navy na DF482 kasama ang mga tauhan ng Naval Task Force 61 (NTF 61) ang motor lunch na  ML Wish Me Luck Princess.

Kasunod ng naganap na interception at board and search procedure sa nasabing lantsa ay nagkaroon ng initial inspection and inquiry at napag-alamang ang ML na may 13 na tripulanteng Pilipino ay may lulan na 796 plastic drums ng gasolina (250 ltrs capacity) at 1,000 kahon (50 reams per box) ng sigarilyo na pawang wala ni isang supporting document at nagkakahalaga ng may fifteen million piso (PHP15,000,000.00).

Ayon pa sa pangunang inquiry ng Navy, ang mga kontrabando ay pagmamay-ari ng may 10 magkakaibang tao na kinakatawan ng isang Jhonson Askali ng Barangay Bunut, Indana, Sulu.

Ang ML ay huling nanggaling mula sa Sitangkay, Tawi-Tawi at nagbalak na dumaong sa Tanjung Pier sa Indanan, Sulu.

Hindi pa batid kung saang bansa pa galing ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply