P200-M inilaan ng DA sa Iloilo Fishport

iloilo-fishport

MAGLALAAN ng P200 milyong ang Department of Agriculture para sa rehabilitasyon at maiangat ang antas ng Iloilo Fish Port Complex (IFPC) at kumpletuhin ang konstruksiyon ng breakwater upang maprotektakan ang mga dumaraongna fishing vessel sa pantalan.

Ito ang commitment ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa isinagawang ceremonial groundbreaking ng P105-million breakwater na nasa IFPC, Barangay Tanza, Iloilo City, noong  November 16, 2012, na naging pangunahing pandangal at tagapagsalita si Senator Franklin Drilon.

Pinasalamatan ni Drilon si Alcala at ang DA sa pamamagitan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) dahil sa naiambag na tulong para makumpleto ang pagtatayo ng 600 metrong  haba  ng breakwater sa kahabaan ng silangang bahagi ng IFPC, kung saan nag-ambag din ang Senador ng halagang P30M sa ilalim ng kanyang  Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Aniya, sakaling gawing moderno ang 21ektaryang lawak ng fish port complex at makumpleto lang ang pagsasaayos ng breakwater magiging pangunahing bagsakan at kalakalan ng isda ang Iloilo.

Kaugnay nito inatasan na ni Secretary Alcala ang PFDA, na siyang nag operate at nangangasiwa sa IFPC at iba pang pangunahing fish ports sa bansa, na agad ding maisumite sa kanila ang plano para sa rehabilitation at ang pagsasaayos at gagastusin.

Inatasan rin ni Alcala si PFDA general manager Eduardo Chu na makipagtulungan sa DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mga mangingisda at sa Panay Fishing Boat Operators (PFBO) na magbuo ng plano para gawing maayos ang paggamit sa  fish port complex.

Sakaling maging maganda na maayos na ang IFPC ay mas lalo, aniyang, ma-eengganyo ang mga mamumuhunan na magnegosyo at makakaakit din ito ng mga locators, partikular ang mga fish processors na magbibigay ng mas malaking kita para sa mangingisda at sa kanilang mga pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply