P200k marijuana sinunog sa Benguet

crime102-150x150

TINATAYANG hihigit sa P200,000 ang halaga ng mga fully grown marijuana ang sinunog ng mga kasapi ng PNP Cordillera sa Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Nabatid na nakatanim ang mahigit 1,000 na marijuana sa 2,500 square meters lot sa Sitio Wa-in, Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Hindi naman nahuli ang marijuana culvinator sa nasabing lugar kung saan kabilang sa sinunog ang 320 grams na marijuana bricks na nagkakahalaga ng P8,000 na ipinadala ng hindi pa nakilalang suspek sa isang shipping company sa Bontoc, Mountain Province.

Ayon pa sa ulat, nakabalot ito sa makapal na supot habang walang nakasulat na pangalan at address ng nagpadala.

Tumanggi naman ang pulisya na pangalanan ang pagkakilanlan nang pagdadalhan sana ng nasabing droga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply