P2M patong sa ulo ng pumatay kay Cauzo

NAGLAAN na ng P2 milyon sa ulo ng suspek na pumatay sa radio broadacaster sa Neuva Ecija na si Julius Caesar CAuzo.

Ang halaga ay dinoble pa ng mga kinauukulan para sa pabuya upang agarang madakip ang mga suspek na pumatay kay Cauzo.

Ayon kay Nueva Ecija Police Chief Senior Supt. Walter Castillejos, P1M ang idinagdag na reward ni Governor Aurelio Umali mula sa dating P1M na inialok naman ng Cesar Vergara Foundation.

Dahil dito, P2M na ang nag-aabang para sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ng mga pumatay kay Cauzo.

Matatandaang tinambangan ng riding in tandem si Cauzo habang pabalik ito ng kanyang istasyon sa DWJJ para sa kanyang pang-umagang programa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply