P3.5M inilaan ng BFAR vs knife fish

NAGLAAN ng P3.5 milyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sugpuin ang pesteng knife fish na siyang sinasabing umuubos sa ibang uri ng mga isda sa Laguna Lake.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, maliban sa pagpigil sa pagdami ng knife fish, ay kabilang sa gagastusan ng nasabing alokasyon ang planong pagbili ng mga itlog ng nasabing pesteng isda.

Pinag-aaralan na ngayon ng BFAR kung magkano kada kilo ang kanilang itatapat sakaling bilhin nila ang itlog at kung saan ito pwedeng gamitin.

Kasama rin na paglalaanan ng pondo ang pag-aaral kung uubra ang pangunguryente sa mga knife fish maging sa mga itlog nito.

At para mas dumami pa aniya ang manghuhuli ng knifefish ay dadagdagan nila ng hanggang P5 ang kada kilo ng mga mahuhuiling knife fish.

Mula sa P20 kada kilo (presyo ngayon) ng knife fish ay magiging P25 kada kilo kapag dinagdagan ng P5 na papasanin ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply