P300-M inilaan ng Comelec sa ballot boxes

NAGLAAN ang Commission on Elections (Comelec) ng halos P300 milyong pondo para sa pagbili ng ballot boxes na gagamitin sa idaraos na halalan sa taong 2013.

Kaugnay nito, inianunsiyo na ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) ang pormal nang pagbubukas ng bidding para sa naturang kontrata.

Sa ipinalabas na Invitation to Bid ng SBAC, nabatid na ang mga interesadong bidder para sa P290.2 milyong kontrata ay maaari ng bumili ng bidding documents sa kanilang tanggapan sa halagang P50, 000, na non-refundable.

Nagpaalala rin ang SBAC sa mga sasaling bidders ay dapat na may 10 taong kasanayan na sa paghawak ng kaparehong kontrata.

Nabatid na ang pre-bid conference ay itinakda ng poll body sa Disyembre 5, 2012 sa ganap na 10:00 ng umaga.

Ganap na 10:00 naman ng umaga sa Disyembre 19, 2012 ang opening of bids.
Anang SBAC, ang bilang ng ballot boxes ay maaari pang mabago.

Hanggang ngayon kasi ay hinihintay pa ng Comelec ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral case ni dating Vice Presidential candidate Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay na may kaugnayan sa 2010 national elections.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply