P40-B sin tax bill, inaprub ng Senado

sintax

WALA nang sagabal pa upang makakolekta ang pamahalaan ng panibagong buwis dahil inaprubahan kaagad ng Senado ang P40 bilyon projected revenues sa sin tax bill na isinusulong ng administrasyon.

Nitong Lunes, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na nagkasundo sa isang caucus na siyang niratipikahan sa plenaryo na sumingil ng panibagong P40 bilyon sa sigarilyo at alak.

Mayorya ng Senado ang bomoto naman na paghatiin ang tax burden sa sigarilyo at alak na 60% o P24 bilyon ang kukunin sa produktong tabako, at 40% o P16 bilyon mula sa produktong alcohol.

“The consensus in the caucus that we will craft the amendments so that we will hit P40 billion. We have already agreed and approved P40 billion,” ayon kay Sen. Franklin Drilon, chief sponsor ng panukala.

Sinabi pa ni Drilon na hindi na magbabago ang halagang sisingilin ng gobyerno sa produktong tabako at alcohol, bagkus lilikha na lamang ang Senado ng isang pormula upang makamit ang tudlang koleksiyon.

“That is the hardest part of the bill, kaya hindi na mababago yan, hindi na tataas o bababa yan [so that won’t change anymore; the number won’t go up or down],” ayon kay Drilon.

Ngunit sa plenaryo, mahigpit na tinutulan naman ni Senador Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halige ng tinaguriang Ilocano bloc na nagtataguyod ng kagalingan ng magsasaka ng tabako ang tudlang koleksyon dahil hindi makatotohanan ang panukala.

“Maghahain pa rin ako ng panukalang pormula na malapit-lapit sa halagang inihain ni Sen. Drilon upang maging reyalistiko at makatotohanan ang revenue collection,” giit pa ni Marcos.

Inaprubahan din ng Senado ang itakda unitary tax rates sa ika-limang taon ng implementasyon ng batas partikular sa Enero 1, 2016 na magkakaroon ng iisa na lamang buwis na sisingilin sa sigarilyo.

Pag-aaralan naman ng komite ang panukala ni Senate President Juan Ponce na itakda na dapat bumili ng 20% kinakailangang sangkap sa paggawa ng dayuhang brand ng sigarilyo mula sa local na magsasaka.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply