P6-M inilaan ng DOH sa sign language training

NAGLAAN ang gobyerno ng P6 milyon pondo para sa sign language training ng mga staff ng ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Health –National Capital Region (DOH-NCR) Dir. Eduardo Janairo, layon ng nasabing proyekto na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga hospital staff sa pakikipag-usap sa mga may problema sa pandinig at pipi.

Bukod dito, maiiwasan din ang hindi pagkakaunawaan ng mga pasyente at staff ng mga ospital.

Sinabi ni Janairo na ilang pasyente na ang naisusugod na bingi sa emergency room na hindi maintindihan ng mga nurse at doctor.

Dahil hindi naman, aniya, obligado na magkaroon ng interpreter ang mga ospital ay isasailalim na sa nasabing pagsasanay ang mga hospital staff kung saan inilaan ang nasabing pondo para sa proyekto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply