P8.4B 2013 budget ng Comelec, aprub na

comelec

INAPRUBAHAN ng Senate committee on finance ang P8.4 bilyon badyet ng Commission on Elections (Comelec) sa 2013 matapos ang mahigit dalawang oras na deliberasyon nitong Lunes sa Senado.

Pinakahuling ahensiya ng pamahalaan ang Comelec na inaprubahan ang badyet, ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng komite.

Nitong Lunes, muling dumanas ng “paghihirap” si Comelec Chairman Sixto Brillantes na ipagtanggol ang badyet ng ahensiya sa katanungan ni Sen. Alan Peter Cayetano na tumatakay sa isyung labas sa gastusin nito partikular ang isyung bumabalot sa 2013 mid-term elections.

Sa pagtatanong ng Senate reporters, sinabi ni Brillanes na nalalaman nito na hindi ang badyet ang tinutumbok ng “paghaharang” ni Cayetano kundi ang ilang isyung bumabalot sa eleksiyon dahil may nakabinbin na reklamo laban sa asawa nitong si Taguig City Mayor Lanie Cayetano.

‘’Alam ko naman yon pero di ko palalakihin. Nagagamit lang ako na hindi ko gusto. The committee hearing was on peripheral issues. The feeling is ginagawa lang nila konting drama para may nangyayari. There is no connection with the Comelec budget which had been approved by the House of Representatives,‘’ ani Brillantes.

Inaasahan ng Drilon committee na maisumite sa plenary debates ang panukalang P2 trilyong national budget kabilang ang sa Comelec sa ikatlong linggo ng Nobyembre matapos maipasa ang kontrobersiyal na sin tax bill.

Sa kanyang panig, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na gusto na niyang matalakay sa pambansang badyet sa plenaryo dahil marami siyang katanungan na dapat linawin ni Drilon.

‘’Lets thresh (them) out in the plenary so we can move on. Time is of the essence with us. I am speaking and appealing in behalf of the Senate because the people are watching us. There are many other things that we have to deal with, urgent matters and I think we settle all of these, bring them to the Senate floor. If we don’t have the votes, then so be it. Let it be decided once and for all,’’ aniya. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply