Pacquiao nakipagkita sa mga fans sa LA

pacquiao

PANSAMANTALANG nagpahinga muna si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanyang training upang harapin naman nito ang mga fans sa Los Angeles, USA.

Namudmod si boxing superstar Pacquiao ng mga turkeys at pumpkin pies sa mga fans sa Westside Shepherd ng Hills Church sa Los Angeles para sa darating na Thanksgiving Day.

Habang namimigay si Pacquiao ay nagpapakuha rin ng larawan at nakikipagkamay sa kanya ang mga fans.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasanay ay dumalo rin si Pacquiao sa ilang sporting events at talk shows sa Amerika.

Si Pacquiao ay nakatakdang makipagsuntukan kay Juan Manuel Marquez sa darating na sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang-apat na pagkakataon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply