Pacquiao tagumpay sa pang-aasar kay Marquez

WALANG ginawa si Juan Manuel Marquez kundi tumakbo ng tumakbo sa tatlong beses nilang paghaharap ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Kaya ang ginagawang istratehiya ni boxing superstar Pacquiao ay asarin at tuksuhin si Mexican boxer Marquez upang lumaban ito nang sabayan at magkaroon ng tsansang mapabagsak ng una ang huli.

Naging maganda naman ang kinalabasan ng plano ni Sarangani Rep. Pacquioa dahil sa tuwing mai-interview si Marquez ay walang bukang bibig ito na pababagsakin niya ang Pambansang Kamao.

Natutuwa naman si Pacquiao sa mga naririnig nitong pagbabanta sa kanya ni Marquez dahil isa itong sintomas na bugbugang umaatikabo ang ika-apat nilang paghaharap.

Kasalukuyan ngayong nag-eensayo si boxing icon Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Sa Disyembre 8 ang suntukan ng dalawa sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang-apat na pagkakataon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply