Pag-ulan mararanasan sa Palawan, VisMin

INIULAT ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lumawak pa hanggang Luzon ang ridge of high pressure area.

Dahil dito, asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Palawan, gayundin sa Visayas at Mindanao.

Pinakamalamig pa rin ang temperatura sa Baguio City sa 15 degrees celsius at pinakamaalinsangan naman sa Metro Manila sa 34 degrees Celsius.

Dahil dito mababa ang posibilidad na magkaroon ng mga pag-ulan sa Luzon maging sa bahagi ng Visayas.

Batay sa satellite image ng Pagasa, balot ng kaulapan ang halos buong bahagi ng Mindanao kaya’t inaasahan na madalas na pag-ulan lalo na sa dakong hapon at gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply