Pagadian City mayor, kinasuhan na sa DOJ

DOJ

KINASUHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) si Pagadian City Mayor Samuel Co dahil sa pagkakasangkot nito sa Aman Futures Group Phils.

Dahil sa mga ebidensyang nagtuturo at nagdidiin kay Co sa pagkakasangkot nito sa P12 bilyong pyramiding scam ay tuluyan na itong sinampahan ng kasong criminal.

Ayon kay Justuice secretary Leila de Lima, marami rin naging biktima si Co at hindi nila ito puwedeng balewalain at wala silang magagawa kundi agad na aksyunan ang reklamo.

Matatandaan na kasama ni Co ang 23 police at fire officers na nagreklamo sa DOJ laban sa Aman kung saan nawalan din umano ito ng umaabot sa P30 milyon matapos itong mag-invest sa nasabing kompanya.

Dagsa pa rin hanggang ngayon ang mga reklamo sa DOJ at umabot na sa 9,644 complainants laban sa Aman Futures.

Kaugnay nito, una na ring hiniling ng DoJ na rebyuhin ang ebidensyang nagdidiin sa kanya sa Aman Futures Philippines.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply