Pagadian City Mayor Samuel Co ‘di pinolitika

HINDI namumulitika ang Malakanyang nang pormal na sampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) si Pagadian City Mayor Samuel Co nang idawit sa P12 billion pyramiding scam.

Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay  kailangan lamang na gumalaw ang usaping ito dahil maramig nabiktima ng pyramiding scam ang naghahanap ng katarungan mula sa gobyerno.

“Gumagalaw na po. ‘Yung bagong balita po diyan ay meron nga pong lima that are allegedly part of it that asked for protective custody. ‘Yung assurance naman po natin doon sa victims and to anybody else who would be involved ay patas po tayo doon sa nagiging imbestigasyon natin, at patas din po ‘yung atensyon na ibibigay natin doon sa mga lumalapit at kailangan po ng tulong dahil sinasabi po nilang nabiktima po sila, at wala po itong halong pulitika at least most certainly not from our end,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, siniguro ni Justice Secretary Leila De Lima na wala silang magagawa kundi aksyunan ang naturang reklamo.

Pinagbasehan ang ebidensiyang nagtuturo kay Co na kabilang ito sa kontrobersiyal na pyramiding scam.

Subalit, maaari rin aniyang biktima din si Co pero hindi naman pwedeng magbulag-bulagan ang DoJ sa mga ebidensya.

Si Co kasama ang 23 police and fire officers ay una nang nagreklamo sa DoJ laban sa Aman Futures Philippines Inc. na sinasabing P30 million ang nawala sa kanila.

Sa ulat,  umaabot na sa 9,644 complaintants laban sa Aman Futures.

Hiniling ni  Co sa DoJ na rebyuhin ang ebidensyang nagdidiin sa kanya sa Aman Futures Philippines.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply