Pagbasura sa kaso ng Reyes bros iaapela ng DOJ

MAGHAHAIN ng apela ang Department of Justice (DOJ) kontra sa pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa kaso ng magkapatid na Reyes kaugnay sa pagpaslang sa brodkaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hinihintay na lamang nila ang kopya nang ipinalabas na resolusyon kahapon ng CA para maibalangkas ang ihahaing motion for reconsideration.

Una rito, ipinalabas ng CA Special 5th Division, na idineklarang walang bisa ang second panel na binuo ng DOJ na inatasang repasuhin ang kaso ng magkapatid na dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes bilang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ortega.

Samantala, kinontra rin ni De Lima ang panawagan ng abogado ng mga Reyes na kaagad ipawalang bisa ang arrest warrant laban sa magkapatid.

Ayon kay De Lima, hindi pa umano masasabing absuwelto na sa kaso ang mga sangkot dahil nakahanda umano ang justice department na idepensa ang desisyon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply