Pagbasura sa kaso vs Pacquiao, inapela ng BIR

pacu

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Naghain ng motion for reconsideration ang Bureau of Internal Revenue (BIR-12) matapos ibasura ng City Prosecutor’s Office ng Koronadal City ang kasong isinampa laban kay 8-division world champion Manny Pacquiao.

Kinumpirma ni Atty. Franklin Ladores ng BIR Sarangani- Gensan (Sargen ) na ibinasura ng City Prosecutor’s Office ng Koronadal City ang kasong failure to submit records na isinampa ng BIR laban kay Pacman dahil sa technical na isyu.

Nagpapasalamat umano si Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang information officer na si Rose Tamayo dahil nabigyan ng paglilinaw ang kasong isinampa ng BIR sa peoples champ.

Matatandaan kamakailan kinasuhan si Pacman dahil sa kabiguan umanong makapagsumite ng mga accounting records na hinihingi ng BIR.

Samantala, sinibak sa puwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR-12) Regional Director Rosil R. Lozares dahil sa alegasyon na nangingikil umano ito sa isang negosyante.

Kinumpirma ang pagsibak kay Lozares matapos makatanggap ng revenue travel assignment order o RTAO No. 62-2012 na ipinadala mismo ni BIR Commissioner Kim Henares at Department of Finance Secretary Cesar V. Purisima.

Ang naturang kautusan ay natanggap ng ahensya noong nakaraang November 5, 2012.

Pinalitan ni Tuguegarao, Cagayan-BIR OIC Regional Director Thelma S. Milabao si Lozares at binigyan ng bagong assignment bilang technical assistant sa Assistant Commissioner’s Taxpayers Assistance Services Department sa Maynila.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply