Pagbili ng 2 mobile courts pa pinamamadali

justice

PLANO ng Quezon City government na kumuha pa ng dalawang bus na ikakasang mobile courts kahalintulad ng ginagamit ng Supreme Court para sa kanilang justice on wheels program.

Inutusan na ni QC Mayor Herbert  Bautista si administrator Victor Endriga para maki-pagkoordinasyon kay Court Administrator Midas Marquez ng Korte Suprema para sa lalong madaling panahon ay maikasa na agad ang mobile courts.

“Personally, I look forward to seeing more mobile courts in the city to help facilitate the resolution of simple cases in Quezon City,” pahayag ni Bautista.

Ayon kay Endriga, ang bawat isang bus ay nagkakahalaga ng P10 milyon.  “The instruction of the Mayor is to fasttrack the acquisition of these vehicles and have them operational by the time we inaugurate the new QC Hall of Justice building by the early part of January next year,” pahayag ni Endriga.

Ang bagong hall of justice, na ipinatatayo ng QC government ay may halagang P98.4 milyon, at ito ay sagot ng lunsod sa tawag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino Jr. para mapabilis ang hustisya lalo na sa mga mahihirap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply