Pagbuhay sa death penalty ayaw ng CBCP

MAGING ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay nagpahayag  nang pagtutol sa panawagang buhayin ang death penalty sa bansa.

Ani Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP- National Secretariat for Social Action, Justice and Peace (NASSA), na tinututulan nila ang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Ayon kay Pabillo, hindi death penalty ang tamang solusyon laban sa mga karumal-dumal na krimen dahil lalo lamang patataasin ng death penalty ang bilang ng kawalan ng hustisya sa bansa.

Binigyang-diin ng Obispo na ang mga mahihirap lamang kasi ang posibleng mapatawan ng pinakamataas na parusang ito habang patuloy namang nakakalaya yaong mga tunay na may sala.

Iginiit pa ni Pabillo na ang mahalaga ay ang paghusayin at ayusin ang sistemang pinaiiral sa hustisya at paglutas ng mga krimen sa bansa bago isipin ang death penalty.

Nauna rito, isinulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbuhay sa death penalty sa gitna nang brutal na pagpatay sa University of Santo Tomas (UST) graduate na si Cyrish Magalang sa Bacoor, Cavite na 49 na ulit na pinagsasaksak matapos lamang bumili ng puto bumbong.

Tinutulan naman ng Malacañang ang naturang panukala dahil ang dapat umanong unahin ay ang pagkakaroon ng episyenteng pagpapatupad ng hustisya sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply