Pagbuhay sa death penalty ayaw ng M’cañang

lethal-injection

NO WAY pa rin sa Malakanyang na ibalik ang death penalty bunsod ng sunod-sunod na ulat ng patayan sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, gaya ng Simbahang Katoliko ay paninindigan din nila ang kanilang posisyon na ibasura ang hatol na bitay.

“(‘Yun na po) ang position ni Pangulong Aquino (kahit) ‘nung tumatakbo pa siya (sa pagka-pangulo). ‘Yun na po ang kanyang posisyon—naitanong na po ‘yung tanong na ‘yon kaya this is an answer of the President way, way back. The Church has no influence. I mean, the Church’s position on this matter did not, in any way, influence the President’s position,” anito sabay sabing “nasabi na po ng Pangulo ang kanyang posisyon tungkol diyan e. Ang sistema po ng ating hudikatura ay hindi po perpekto. Marami ho tayong mga akusado (who) are not properly represented, are poorly represented in court.”

Tugon ito ng Malakanyang sa panawagan na ibalik ang death penalty bunsod ng mga nangyayaring karumal-dumal na krimen kabilang na rito ang pagpaslang sa UST cum laude sa pamamagitan ng 49 na saksak, rape-slay sa modelong si Julie Ann Rodelas at sa masaker kaninang umaga sa Maynila kung saan kasama sa mga biktima ang vice president ng Banco de Oro.

Sinabi pa rin ni Sec. Lacierda na tinututukan ni DILG Sec. Mar Roxas ang mga reporma sa PNP para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas.

“We are improving our police enforcement that’s why we are… On the side of police enforcement, we’re doing reforms in police enforcement. Secretary Mar Roxas is in charge of that together with the President. The President has already made marching orders for the (Secretary) to ensure that we improve in curbing criminality not just index crimes.(The) index crimes, we all know, have gone down. It’s the petty theft and all (crimes of) that (kind) that we have already mentioned. And, in that respect… For instance, in NCRPO—if you notice, by the way—the reforms made by General (Leonardo) Espina where you have police visibility.

Samantala, hindi naman masagot ng Palasyo kung kontento si Pangulong Aquino sa performance ni PNP chief Nicanor Bartolome.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply