Pagdalaw ni GMA sa puntod ng ina, kanselado

KANSELADO na ang pagdalaw ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa puntod ng ina sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.

Kinumpirma ito ni Atty. Anacleto Diaz, abogado ni GMA, dahil hindi umano kakayanin ng katawan at kalusugan ng dating pangulo na bumiyahe, lalo’t alam naman ng lahat na dagsa ang tao tuwing Undas.

Naunang pinayagan ng Sandiganbayan si GMA ng anim na oras na makalabas ng VMMC para makadalaw sa Libingan ng mga Bayani sa kondisyong maglalagak ito ng P1milyong cash bond.

Naka-ospital arrest ngayon sa VMMC si GMA dahil sa chronic ischemia at sakit sa gulugod.

Magkagayunman, inihayag ni Atty. Raul Lambino na muling hihingi ng permiso si GMA sa Sandiganbayan upang madalaw ang puntod ng kaniyang mga magulang sa sandaling bumuti ang kanyang pakiramdam.

Aniya, nakatakdang maghain ang mga abogado ni GMA ng panibagong mosyon sa Sandiganbayan upang hilingin na ire-schedule ang pagbisita sa puntod ng mga magulang nito.

Dahil na rin, aniya, sa masamang pakiramdam ay hindi na umano nagawa ni GMA na makapunta sa chapel sa loob o compound ng VMMC para dumalo sa misa.

Umaasa naman si Lambino na muling papayagan ng Sandiganbayan sa GMA na makadalaw sa sementeryo, lalo handa naman daw ang Pampanga solon na tumalima sa mga kondisyon ng anti-graft court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply