Pagdidikit ng ICC sticker handog ni Recom sa kanyang birthday

icc-sticker

BILANG bahagi ng proyekto sa kanyang kaarawan ay pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagdidikit ng Import Commodity Certification (ICC) sticker sa mga ginagamit na helmet ng motorcycle riders.

Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan nito ay hindi na mahihirapan ang mga residente ng lungsod na magtungo sa mga lugar na itinalaga ng Department of Trade and Industry (DTI) para lamang malagyan ng ICC sticker ang kanilang mga helmet.

Katuwang din ni Echiverri sa programang ito ang DTI, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri at ang samahan ng Responsible Citizen of Motorcycle (RCM) na pinamumunuan ni Erwin Cruz.

Sinimulan ang programa alas 9:00 ng umaga noong Sabado at natapos ito bandang alas 4:00 ng hapon ng parehas na araw kung saan ay tinatayang aabot sa tatlong libong motorcycle riders ang nalagyan ng ICC stickers ang mga helmet.

Hindi rin nahirapan ang mga motorcycle riders na kumuha ng ICC stickers dahil kinailangan lamang dalhin ng mga ito ang kanilang helmet na maayos, walang sira at isang government identification card tulad ng driver’s license, Comelec ID, SSS card at iba pa.

Nagmistula ring piyesta sa Caloocan City Hall North na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin kung saan ginanap ang pagkakabit ng ICC sticker dahil bukod sa mga motorcycle riders ay nagtungo rin ang mga residente ng lungsod upang batiin si Mayor Recom sa kaarawan nito.

Bukod sa pagkakabit ng ICC sticker ay iba’t-ibang proyekto rin ang inihanda ni Mayor Echiverri sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kabilang na dito ang mega job fair, medical and dental mission, caravan at iba pa na labis na nakatulong sa mga residente ng lungsod.

Napag-alaman pa na simula ng maging alkalde ng lungsod si Mayor Echiverri noong 2004 ay taon-taon itong nagbibigay ng mga ganitong proyekto sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan na ipinagdiriwang sa araw ng November 18.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply