Pagdinig sa hiling ng kampo ni Radam ipinagpaliban

lilian-radam

MAKARAANG payagang bumiyahe sa labas ng bansa si dating Comelec chairman Benjamin Abalos, ipinagpaliban naman ni Pasay Judge Eugenio Dela Cruz ang pagdinig ngayong araw hinggil sa hiling ng kampo ni Lilian Radam na gawin itong “state witness”.

Sinabi ni Atty. Doods Dulay, counsel ni Abalos na ito ay dahil sa wala pa siyang natanggap na kopya ng testimonya ni Radam.

Ayon kay Dulay, itinakda ang susunod na pagdinig sa kaso sa Pebrero 14, 2013.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang kampo ni Abalos dahil makabibiyahe na ito patungong Taiwan para sa business opportunity sa layuning mapalago ang negosyo nitong palaisdaan.

Ayon kay Branch 112 Spokesperson Felda Domingo, nakita ng korte na sinsero si Abalos na babalik sa bansa matapos bumiyahe, na nakatakda bukas hanggang Nobyembre 30.

Nauna rito ibinasura ng korte ang hirit ni Abalos na mapayagan itong makabiyahe sa labas ng bansa.

Sa unang ruling na ipinalabas na ni Pasay City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas, hindi nito pinayagan ang motion to travel ng opisyal para sa planong pagtungo ng Taiwan.

Maalala na hiningi ni Abalos sa korte na mapayagan itong magtungo ng Taiwan para kumuha ng mga fingerlings o similya ng mga isda para sa kaniyang aqua-culture business.

Ayon kay Judge Mupas, wala umano itong nakikitang dahilan para pagbigyan ang hirit ng former poll body chairman dahil maaari naman aniyang kumuha ito ng “bangus fry” dito sa bansa.

Sa bagong desisyon ngayon ni Judge Mupas, bago bumiyahe palabas ng bansa, ipinaglagak sa dating Comelec chair ang halagang P200,000 cash bond.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply