Pagdiriwang ng Pasko, gawing simple at payak – Obispo

DAPAT na gawin na lamang na simple at payak ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon.

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa publiko kasunod ng kapuna-punang pagiging kultura na ng mga Pilipino ang mas maagang paghahanda, mas mahaba at magarbong pagdiriwang ng kapaskuhan.

Partikular na tinukoy ni Ongtioco ang paglalagay ng mga dekorasyon sa mga tahanan na karaniwang magarbo.

Ayon kay Ongtioco, sa halip na bumili ng mga bagong dekorasyon ay mas mainam na gamitin na lamang ang mga pinaglumaang dekorasyon o di kaya  maging malikhain at gumawa ng mga dekorasyon mula sa mga recycled materials.

“The simplier the better, halimbawa sa pagdedekorasyon you don’t need to buy.  We can recycle things, parang yung nagluluto ka hindi dapat itapon yung mahusay pa, you have another presentation,” ani Ongtioco sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ipinaliwanag pa ni Ongtioco na ang simpleng paggunita sa kapaskuhan ay isang paraan upang mabawasan ang pagkalat ng basura ngayong Christmas season na maaring maging sanhi ng pagbara ng mga creek, mga ilog at mga estero na magdudulot naman ng pagbaha kapag umuulan sa Metro Manila.

Ani Ongtioco, ang mga Simbahan ay simple lamang ang dekorasyon, tulad nang paglalagay ng Belen, at karaniwang ginagawa ito simula ika-16 ng Disyembre lamang o pagsisimula ng simbang gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply