Paggamit ng point matrix system sa nominasyon sa hudikatura, iminungkahi ng JBC

IMINUNGKAHI ng Judicial and Bar Council kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magpatupad ng point matrix system hinggil sa pagsala ng mga nominado at aplikante sa mga bakanteng pwesto sa hudikatura kasama na ang Ombudsman.

Sa isang sulat sa punong mahistrado na pirmado ni JBC Executive Committee Chairperson Regino Hermosisima,tanging mga aplikante na makakakuha ng total scores na 70 percent ang ikukunsidera ang nominasyon.

Kabilang sa mga ikukunsiderang criteria ang bar exam rating 10 percent, na may dagdag na puntos kung topnotchers; scholastics record 10 %; work experience 15 %; work performance 15%, integrity 20 %; good health, 20 % at iba pang accomplishment 10% o kabuuang 100 %.

Pero, papayagan ang sinumang miyembro ng JBC na magrekomenda ng aplikante na nakakuha ng below 70% point kung itoy may exceptional qualifications.

Sinabi ni Atty Jose Mejia, kinatawan ng academe sa JBC, magkakaroon pa sila ng deliberation hinggil sa naturang panukala.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply