Paging Mayor Lim at trapik sa Quiapo

_lily reyes

BIBIGYANG-DAAN muli   ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na  text message at mga  nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babang-gitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE,  iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD AM po, Ma’m Lily. Isa po akong manggagawa ng  Magnolia Product dito sa Legaspi St. dito sa Pasig City.

Gusto ko lang sanang i-report  ang hindi po tamang pagpapasuweldo nila  sa aming mga empleyado. Dose oras po kaming nagtatrabaho pero walang overtime .

Salamat po. Sana mapansin ninyo ang reklamo naming mga empleyado.

GOOD EVENING, this is Rowena  Delara. I got your number in internet site. Hihingi po sana kaming mga estudyante na graduate ng Universidad de Manila kay Manila Mayor Alfredo Lim na makuha ang TOR For Board Exam namin sa College of Education ng UDM.

Masyado po  kasi  kaming hinihigpitan na kailangang maipasa namin ang pre-board exam nila.

Kapag hindi maipasa ay  hino-hold po nila ang TOR namin. Wala namang ganung batas na puwedeng mag-hold ng TOR ang school. Hindi po tuloy kami makapag -actual board exam.

Sana po ay makarating kay Manila Mayor Alfredo Lim ang problema naming mga estudyante ng UDM.

GOOD DAY po, Lily’s Files. Nagtataka lang po ako kung bakit wa-lang magawa ang Manila Police District (MPD) at mga traffic enforcer ng Maynila  sa napakahabang trapik sa magkabilang lane papasok ng Quiapo, gayung pag nakalampas ka naman sa may tapat ng simbahan ng Quiapo ay wala naman palang  trapik.

Biruin n’yo po, pag araw ng Biyernes, ang trapik ay mula sa Taft Avenue sa may PGH  hanggang sa may Quezon Bridge gayung wala naman palang  trapik pagbaba ng nasabing tulay.

Sana lang po ay pagbawalan ang mga pampasaherong  jeep bus at taxi na huminto pagbaba ng Quezon Bridge at pag-akyat naman ng Quezon Blvd.

Salamat po at mabuhay ang Remate at ang Lily’s Files…

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at  komento,  mag-text lamang po sa 0915-5683000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply