Pagkamaamo ng Malakanyang sa US, dahilan upang ituring na basurahan ang Pilipinas

ANG pagka-maamo ng Malakanyang sa Estados Unidos ang dahilan kung bakit itinuturing ang Pilipinas na basurahan ng mga dayuhan.

Ito ang pahayag ni Gabriela congresswoman Luz Ilagan matapos sabihin ni Vice Admiral Mateo Mayuga na dumi ng tao at hindi toxic ang itinapong basura ng isang kontraktor ng US Navy sa Subic Bay noong nakaraang linggo.

Walang dangal din umano ang pahayag ni Mayuga na hindi dapat repasuhin ang Visiting Forces Agreement samantalang dumarami nang bilang ng mambabatas ang nananawagan ng pagbabasura ng naturang kasunduan.

Dagdag ni Ilagan, dapat munang isuspinde ng Malakanyang ang VFA at magsagawa ng imbestigasyon ng insidente bago magpahayag na parang walang nagawang mali sa soberanya ng bansa.

Huwag naman sanang palagpasin ang insidente ng gubyernong Aquino at magpakita naman sana ito ng respeto sa sarili, ayon pa kay Ilagan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply