Pagkakapasa sa sin tax bill ikinatuwa ng Palasyo

IKINALUGOD ng Malakanyang ang pagkakapasa ng Senado sa sin tax bill na naglalayong taasan ang pagbubuwis sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang pagpapatibay sa Senate Bill (SB) 3299 o ang Excise Tax on Alcohol and Tobacco Products ay isang mahalagang hakbang para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga Filipino.

Pinapurihan din ng Palasyo ang mga senador sa pangunguna ni Senator Franklin Drilon, chairman ng Senate ways and means committee, sa pagpupursige na maipasa ang nasabing panukalang batas.

Napanatili ng panukala ang target nito na kikita ang pamahalaan ng buwis ng hanggang sa P40 billion sa unang taon ng implementasyon.

Napagkasunduan ng mga senador na ang 60% ng P40 billion ay manggagaling sa sigarilyo, habang ang nalalabing 40% ay kukunin sa alcohol at ipatutupad ito taun-taon simula 2013.

Samanlata, muntik pang hindi naipasa ang panukala matapos na matuklasan ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi nasunod ang napagkasunduan sa senator’s caucus na 60-40 “burden sharing” ng P40 billion sa alak at sigarilyo, bagamat matapos ang pagpupulong ay naayos din ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply