Pagkakatalaga kina Almendras at Petilla, hindi idinaan sa palakasan

HINDI idinaan sa palakasan ang pagkakatalaga kina Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras at Energy Sec. Carlos Jericho Petilla.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na performance-based management system ang pinagbasehan ng pagkakatalaga sa dalawang opisyal ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, kapwa inihayag naman nina Almendras at Petilla na handa na nilang suungin ang bago nilang posisyon.

Kanina ay nagsimula si Petilla sa Department of Energy (DoE) matapos ang turn-over ceremony sa Leyte Provincial Office ngayong umaga.

Aniya, hindi na siya maninibago sa mga matagal ng problema sa energy sector at ipagpapatuloy lamang nito ang mga nasimulan ni Almendras.

Matatandaang una nitong pagtutuunan ang nabuong 20-year energy plan at aalamin ang kabuuang kalagayan ng power sector sa bansa.

“Expectations, marami. Maraming challenges, maraming problema pero I think it’s nothing new. These are aged-old problems that have existed in the past and we simply have to do what we have to do. Kumbaga, I’m taking off from where Secretary Almendras left it, ano. I am not going to reinvent anything. So kung ano ang approach niya, we will follow that as a starting point,” ang pahayag ni Petilla.

Tinuran naman ni Sec. Almendras na magsisilbi siyang staff ng Office of the President at tutukan ang mga programa ng bawat line agency.

Sinabi nito na hindi magkakaroon ng conflict ang kanyang opisina sa ibang Cabinet officials dahil malinaw umano ang kani-kanilang mga trabaho.

Tiniyak nitong hindi niya panghihimasukan  ang katungkulan ang Presidential Management Staff (PMS) at ang Executive Secretary.

“No. The Executive Secretary is board. The definition and the role of the Executive Secretary is very clear po,” ayon kay  Almendras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply