Pagkaso kay Rasuman ipinaubaya sa DoJ

IPINAUBAYA  na ng Malakanyang sa mga taga-usig ng pamahalaan ang pagsasampa ng kaukulang  kaso kay Jachob “Coco” Rasuman, itinuturong lider ng Rasuman scam, investment firm na sangkot sa malawakang panloloko.

“Well, the [head] honcho of the Rasuman scam has been apprehended or surrendered to us. So it’s now up to the prosecution to file the necessary cases. The DOJ is already on top of that. So they will be filing the case soon,”ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

In-inquest na kanina si Rasuman  matapos mahuli ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iyon ang dahilan kung bakit hindi pinayagan ni NBI Deputy Director for Regional Operation Services Virgilio Mendez, na ilipat ng NBI headquarter ang suspek matapos maaresto sa Marawi City kamakalawa.

Sa ulat, pasado alas-10:00 kagabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinakyang eroplano ni Rasuman kung saan kaagad itong dineretso sa NBI headquarter.

Inihayag din ng opisyal na hangga’t walang kautusan ng korte, maaaring gawin ang paglilitis sa Cagayan de Oro o Lanao del Sur.

Kabilang sa mga miyembro ng pamilya Rasuman na pinaghahanap ng awtoridad ay sina Jerome Rasuman at dating DPWH Usec. Bashir Rasuman na nakabase sa Metro Manila.

Si Rasuman ang sinasabing presidente at chief executive officer ng “Nad Auto Option” na sangkot sa “pyramiding scheme” na may tanggapan sa Phase 1C Xavier States, sa Cagayan de Oro City.

Ang suspek at ilang miyembro ng pamilya ay kabilang sa naunang kinasuhan ng syndicated estafa na inihain ng 25 biktima sa tinaguriang “Ponzi scheme.”

Samantala, hinggil naman sa Aman Futures ay sinabi ni Sec. Lacierda na “patuloy po natin na hinihingi ang tulong ng ating kapitbahay, ang bayan ng Malaysia, sa pagtugis dito po kay Mr. Amalilio.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply