Paglalabas ng resulta ng halalan nais mapabilis ng Comelec

ISINUSULONG ng Commission on Elections (Comelec) na mapabilis pa ang takbo ng halalan sa darating na 2013 elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., na sa pamamagitan ng automated elections ay inaasahan nilang sa loob ng 48 haggang 24 oras ay malalaman na ng publiko ang resulta ng halalan.

Binigyang diin pa ni Brillantes na maaga ding maipoprokalama ang isang kandidato kung napakalayo na ng agwat nito sa iba pang kandidato at walang nang tiyansa pang mahabol ng kalaban

Sa sistema ng eleksyon sa Amerika, kailangang makakuha ng 270 electoral college votes ang isang presidential candidate upang maideklara siyang panalo.

Nais tularan ni Brillantes ang sistema ng eleksyon sa America para mapabilis ang proseso ng botohan sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply