Paglilinis ng Comelec sa partylist ‘witch hunting’

TAHASANG tinawag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na ‘witch hunting’ ang paglilinis sa partylist ng Commission on Elections (Comelec) na lalahok sa 2013 midterm elections

Kaygnay nito, nanindigan naman ang Comelec na dumaan sa tamang proseso sa ginagawa nilang paglilinis sa listahan ng mga partylist group na lalahok sa 2013 midterm elections.

Ang paninindigan ay bunsod ng pagbatikos ng IBP sa Comelec na mistulang ‘witch hunting’ umano ang ginagawa ng komisyon sa mga partylist group.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, nirerespeto nila ang komento ng IBP pero binigyang diin nito na dumaan sa tamang proseso ang pagsibak nila sa ilang grupo na maging partylist group sa darating na eleksyon

Samantala, sinusuportahan ng Malakanyang ang lahat ng hakbang ng Commission on Elections (Comelec) sa paglilinis ng ahensya sa listahan ng partylist groups.

Ang suporta ng Malakanyang ay kahit pa ibinasura rin ng Comelec ang aplikasyon ng mga partylist na tatkbo sa darating na 2013 midterm elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply