Paglilinis sa listahan ng partylist group, kinatigan ng Malakanyang

MARIING sinusuportahan ng Malakanyang ang lahat ng hakbang ng Commission on Elections (Comelec) sa paglilinis ng ahensya sa listahan ng partylist groups.

Ang pagkatig ng Malakanyang ay kahit pa ibinasura rin ng Comelec ang aplikasyon ng ‘Black and White Movement’ na makatakbo bilang partylist group sa darating na 2013 midterm elections.

Binigyang diin ni Presidential Communications Group (PCG) Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma na nirerespeto ng Palasyo ang mandato at prosesong pinaiiral ngayon ng Comelec.

Kasabay nito, sinabi ni Coloma na maaari pa namang umapela sa Comelec at Korte Suprema ang mga nadiskwalipikang partylist group.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply