Paglilitis sa poll sabotage case ni GMA sa 2013 na

gma-4

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) na ipagpaliban ang nakatakdang paglilitis kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa para sa kinakaharap nitong kasong electoral sabotage.

Ang kahilingan ng Comelec ay dahil na sa pagiging abala ng kanilang mga tesigo at iba pang bahagi ng imbestigasyon sa kaso para sa nalalapit na halalan.

Napagkasunduan naman na sa Enero 31, Pebrero 7, Marso 7 at Marso 14, sa susunod na tao idaos ang trial proper.

Tinutulan naman ito ng abogado ni dating Pangulong Arroyo na si Atty. Benjamin Santos.

Ayon sa abogado ni Arroyo, malalabag ang karapatan ng kanyang kliyente na mapadali ang paglilitis sa kinakaharap nitong kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply