Paglulunsad ng “ERBL” facility

NAKIBAHAGI kamakailan ang National Water Resources Board (NWRB) sa pakikipag-ugnayan ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) at ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa paglulunsad ng “Electronic Resource Base for Legislation (ERBL)” facility na ginanap sa North Wing Lobby ng Batasang Pambansa sa Lunsod ng Quezon.

Layunin ng ERBL facility na maging pangunahing imbakan ng impormasyon para sa mga mambabatas at ng publiko sa pamamagitan ng pag-link ng mga batas at iba pang kaugnay na impormasyon na magagamit sa pananaliksik.

Ayon kay CPBRD Director General Romulo Miral, Jr., nakaambag ang ERBL facility sa pagpapalakas ng kalidad ng mga batas sa Pilipinas habang ang mga batas at impormasyon ay madaling maabot ng publiko at nakapaghihikayat na tuunan ang debate sa mga nakabimbing bill.

Sa kanyang presentasyon at pagtatalakay, sinabi ni PIDS Acting Vice-President Mario Feranil na ang PIDS at CPBRD ay kasalukuyang inaayos at ina-update ang ERBL website kasama na rito ang higit na mahahalagang mga economic bill at priority bill sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC at ng Batasang Pambansa.

Idinagdag pa niya na ang pangunahing bahagi ng facility ay may kakayahang ma-link ang isang bill na magagamit sa pananaliksik sa Socioeconomic Research Portal for the Philippines o SERP-P ng PIDS, isang daan para sa ilang makukumpletong pag-aaral ng Institusyon at ng mga kasapi ng network.

Mahigit sa 60 ang dumalo sa nasabing paglulunsad na sumabay sa pagdiriwang ng House of Representatives Month o Buwan ng Batasang Pambansa na ginaganap tuwing Oktubre ng bawat taon. Ang mga kinatawan ng NWRB ay sina Information Officer Felisa M. Manlulu at Information Systems Analyst Guillbert A. Serrano.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply