Pagmahal ng Noche Buena items sa Disyembre paghandaan

NAGPAALALA na ang Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) sa publiko na paghandaan ang napipintong pagtaas ng presyo ng mga Noche Buena items sa Disyembre.

Sinabi ni PASI President Federico Ples na sa susunod na buwan ay inaasahang gagalaw ang presyo ng Noche Buena items tulad ng pasta, tomato sauce, pineapple chuncks at iba pang sangkap.

Dahil dito, pinayuhan ni Ples ang publiko na unti-unti nang bumili ng mga ihahanda sa Noche Buena habang mura pa ang presyo ng mga ito.

Sa ngayon wala pa namang pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-Noche Buena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply