Pagmaltrato sa suspek sa Ruby Rose slay, pinalagan ng pamilya

NANAWAGAN ngayon ang pamilya ng naarestong suspek sa Ruby Rose Slay sa National Bureau of Investgation (NBI) na huwag itong maltratuhin.

Ang panawagan ay ginawa ni  Josephine Ponce, ang maybahay ng naarestong suspek na si Norberto Ponce alias Alex Peralta kasunod ng umano’y hindi magandang pagtrato ng10 ahente ng NBI-Special Task Force nang magtungo ang mga ito sa kanilang bahay sa Barangay Naganacan, Cauayan City, Isabela noong Miyerkules ng hapon.

Si Ponce ay inaresto ng NBI matapos idawit at mapag-alamang nagkaroon ng partisipasyon sa karumal-dumal na pagpatay kay Ruby Rose Barrameda kung saan nagsilbi itong driver.

Magugunitang nawawala si Ruby Rse noong tang 2007 at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan itong patay na nakasilid sa isang drum na nakasemento at inilubog sa dagat sa Navotas.

Kaugnay nito, binatikos din ng pamilya ng suspek ang kawalan ng warrant of arrest na iprinisinta ang NBI bago arestuhin si Ponce.

Sa tanggapan ng NBI, tiniyak naman ng suspek na nakahanda itong makipagtulungan sa mga awtoridad lalo na ang pagtestigo sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply