Pagpapalakas sa Anti-Money LaunderingLaw, pasado sa Kamara

APRUBADO na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukalang nag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Law.

Ang panukalang ito ay nauna ng sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pangunahing layunin ng House Bill 6565 na amyendahan ang ilang probisyong nakapaloob sa Republic Act 10167 lalo na ang Section 10 at 11 ng nasabing batas.

Sinabi ni Leyte Rep. Sergio Apostol, Chairman ng nasabing komite, na kailangan ang komprehensibong tugon sa mga dapat baguhin sa nasabing batas lalo na sa mga kwestiyonableng bank accounts at mga perang pumapasok sa bansa.

Pangunahing inakda nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., at Majority Floor Leader Neptali Gonzales II ang panukala upang palakasin ang batas sa anti-money laundering sa pamamagitan ng pagsunod sa updated at revised international Anti-Money Laundering Counter-Terrorist Financing standards.

Nakapaloob sa panukala ang pagsasama ng ibang mga kategorya na hindi nakalagay sa naunang batas gaya ng money laundering mula sa terorismo na nasa ilalim ng Human Security Act of 2007, terrorist financing, human trafficking, sexual exploitation sa mga kabataan, corruption, bribery, forgery at environmental crime.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply