Pagpapalawig ng CARP, ‘kabaliwan’ – KMP

ISANG ‘kabaliwan’ ang panukalang palawigin ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng limang  taon pa.

Ito’y matapos palagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang inihaing bill ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez at iginiit na ang pagpalawig ng CARP ay sapat ng pagdudahan  ng Pilipinong magbubukid  na bogus ito.

Ayon sa KMP ang pagpapalawig sa CARP ay muling pagbuhay sa anti-peasant CARP na wala ng buhay sa pulitika ng estado na magbibigay pa ng limang taon ay isang kabaliwan.

Anila, ang 24 taon na bogus CARP ay bigong natugunan ang monopolyo ng mayayamang landlords  ang lawak ng  mga lupain  sa halip sinapit ng mga magbubukid na mawalan ng lupa at  kinamkam .

Nabatid na ang genuine agrarian reform program lamang ang wawasak sa monopolyo ng bigtime  landlords  sa mga lawak ng lupain at  hacienda kasunod  ang  libreng pamamahagi sa mga walang lupa ang magreresolba sa  siglong  matagal ng walang lupa  ang mga magbubukid sa bansa.

Isinusulong ng KMP ang paggawa ng batas ng House Bill 374, o ang Genuine Agrarian Reform Bill na naglalayong sa “libreng pamamahagi ng lupa sa magsasaka.

Sinabi ni Randall Echanis, Secretary General ng KMP, inilarawan ang CARP bilang ‘the longest-running and most expensive agrarian reform program sa mundo at hindi tumugon sa problema ng mga walang lupain at kahirapan sa komunidad.

Inihayag ng Malacañang na kung mayroon at walang law extending CARP, ang pamahalaan ay gagawin pa rin na makumpleto ang land acquisition at pamamahagi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply