Pagpapalawig sa termino ng mga Brgy chair, SK, pinaboran

LANTARANG ikinatuwa at pinaboran ng karamihan sa kulang sa 1,000 punong barangay sa Maynila at maging ng kanilang mga counterpart sa Sanguniang Kabataan ang pagpapalawig ng kanilang termino mula tatlong taon hanggang limang taon na isinusulong ngayon sa kongreso.

Isa sa pumuri sa nasabing hakbang ay ang leading councilor bet ng LP-KKK sa Manila District  4 na si Guia Gomez Castro .

Ayon kay Guia, dalawang beses ng nahalal ng walang kalaban sa kanyang barangay, masyadong maiksi ang tatlong taon para maisakatuparan ang proyekto ng mga barangay gayundin ang pagpapatupad ng mga reporma na nagtataguyod ng kaunlarang pambarangay.

Samantala, personal namang ikinatuwa ni konsehal Eunice Castro ang extension at reporma sa edad ng sangguniang kabataan. Ayon sa SK president ng Maynila at NCR director ng youth commission ay mismong sa kanila hanay nag-ugat ang pagbabago ng edad sa SK na mula 15-18 ay gawing 18-21.

Binanggit pa ni Castro na sa halip na i-abolish ang Sangguniang Kabataan ay magsagawa na lamang ng reporma sa hanay nito kabilang na ang pagpapataas ng edad mula 15-18 ay maging 18-21 upang magkaroon ng political maturity.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply