Pagpasa ng Sin Tax bill, BOC nakahanda vs smuggling

TINIYAK nitong Huwebes ng Bureau of Customs (BOC) na paiigtingin ng ahensiya ang kampanya laban sa posibleng pagpupuslit ng sigarilyo sakaling maipasa ng Kongreso ang Sin Tax bill.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa nabigong smuggling ng bigas sa Subic, sinabi ni Customs Commission Ruffy Biazon na hindi dapat pangambahan ng stakeholders ang ganitong posibilidad dahil nakahanda ang gobyerno.

”I would say their concerns are valid but the BOC is preparing to address that concern,” ayon kay  Biazon .

Aniya, lahat naman ng mga produkto ay kanilang tinututukan at nagiging matagumpay naman ang kanilang kampanya.

Iginiit pa nito na dapat magkaroon ng  full  automation  ang lahat ng transaksyon sa BOC  at ng sa ganon ay  hindi maakit ang mga kawani na makipagsabwatan sa sindikato.

”Mostly, these smuggled cigarettes are for local consumption in  Southern Philippines from Malaysia or Indonesia on board small vessels and sometimes passenger ferries,”  ayon kay Biazon.

Aniya, kung maipapasa na ang Sin Tax Bill  mas  paiigtingin pa ng BOC ang kampanya laban sa smuggling.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply