Pagpatay kay Julius Cauzo kinondena ng M’canang

KINONDENA ng Malakanyang ang pagpatay kay Julius Cauzo, volunteer ng himpilang DZRH sa Cabanatuan City.

Si Cauzo ay pang-13 miyembro ng media na pinatay sa ilalim ng Aquino administration.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kinikilala na ng mga awtoridad ang isang gunman kasabay ng paghahanap na rin ng mga ito dito.

Bukod dito, tinitingnang mabuti aniya ng kapulisan ang motibo ng pagpaslang at inaalam kung personal o work-related ang insidente.

Sa ulat, patay ang isang radio anchor sa Cabanatuan City matapos pagbabarilin bandang alas-8:30 kaninang umaga.

Ayon kay PO2 Fernando Cacayurin, kinilala ang biktima na si Julius Cauzo, 51, anchor ng DWJJ.

Papunta na sana ng istasyon ang biktima sakay ng motorsiklo para sa alas-9:30 nitong programa nang barilin ng isa ring motor rider.

Sa kabilang dako, pinalagan naman ni Sec. Lacierda ang ulat na tinutulugan lang ng gobyerno ang pamamaslang sa mga miyembro ng media.

“Meron na tayong sinampahan ng kaso po. Pero, again, nasa korte po ‘yon. Pero ‘yung mga na-identify po natin nasampahan na po (ng kaso) sa korte tulad ‘nung kay Gerry Ortega. Nasampahan na po ‘yan, ang problema tinutugis po natin ngayon itong mga salarin at kailangan po silang tugisin. In fact, si Secretary Leila de Lima heightened the tracker teams. (She), in fact, gave an order to ensure that these fugitives from the law shall be apprehended,” ayon sa opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply