Pagpili ng associate justice, magiging patas – Palasyo

malakanyang

NANGAKO ang Palasyo na magiging patas ang pagpili at pagtingin matapos pumalag ang Judicial and Bar Council (JBC) sa ulat na mayroon nang nakalalamang sa mga nominado sa pagka-mahistrado ng Korte Suprema.

Nauna rito, lumabas ang ulat na minamanok ng Pangulong Benigno Aquino si Dean Marvic Leonen para maging associate justice ng Supreme Court.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, JBC member mula sa academe, hindi nakasalalay sa mga puntos na kanilang nakuha kundi sa kung sino ang siyang pipiliin ni Pangulo.

Ayon sa pangulo, mayroon umanong bentahe si Leonen upang umupo sa binakanteng puwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y makaraang himukin ni Ginoong Aquino si Leonen na mag-apply parasa naturang posisyon sa SC.

Kabilang ang dating UP Law dean sa mga nominado sa pagka-mahistrado sa Korte Suprema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply