Pagpugot sa ulo ng Brgy kagawad, itinanggi ng NPA-Bicol

crime9

TAHASANG itinanggi ng National Democratic Front of the Philippines-Bicol na ang New People’s Army ang may kagagawan sa pamumugot ng ulo ng isang Barangay Kagawad sa bayan ng Guinobatan sa Albay.

Natagpuan ang bangkay ni Brgy. Kagawad Ely Oguis, residente ng Purok 6, Sitio Palatbuton, Brgy. Cabaloan sa bayan ng Guinobatan na hiwalay ang ulo sa katawan.

Ayon kay Greg Bañares, tagapagsalita ng NDFP-Bicol, mariing kinokondena ng grupo ang paglulubid ng kasinungalingan ni Major Narzan Obuyes upang pagtakpan ang kanilang krimen at ibentang sa NPA ang nasabing pangyayari.

“Walang naganap na engkuwentro noong gabing paslangin si Oguis at ang mga putok na narinig ay ang pamamaril kay Oguis,” ayon kay Bañares.

Aniya, “walang yunit ng NPA na umatake sa tropa ng militar.”

Sinabi ng NDFP-Bicol na ang brutal at hindi makataong pagpapahirap at pagpaslang kay Oguis ay kagagawan ng 2nd IBPA noong Nobyembre 11 ng gabi.

Ayon sa NDFP, si Ogus ay tinanggalan ng mga taynga, pinugutan ng ulo at ibinaon sa putik ang ulo.

Sa imbestigasyon ng NDFP, bago naganap ang pamamaslang kainuman ni Oguis ang mga sundalo na miyembro ng 2nd IBPA.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply