Pagpuslit ng droga sa bottled water binabantayan ng BOC

ruffy-b

KINALAMPAG ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang mga tauhan hinggil sa napaulat na pagpupuslit ng illegal drugs sa loob ng bottled mineral water na ipinapasok sa pamamagitan ng pagdaan sa major ports at airports ng bansa.

Ipinalabas ni Biazon ang direktiba dahil sa viral video sa YouTube na nagpapakita ng bagong smuggling technique na ang isang sachet ng “shabu” ay inilalagay sa loovb ng isang botelya ng mineral water.

Ang pagpupuslit aniya ng illegal drugs sa pamamagitan ng paglalagay sa loob mismo ng botelya ng mineral water ay hindi pa nagaganap sa Pilipinas.

Inihalimbawa ni Biazon ang pagkumpiska ng BOC operatives sa kilo ng shabu na tulad ng nakatago sa luggage, stuffed toy o anomang bagay na sa tingin ng drug traffickers ay hindi mapapansin.

Pinayuhan din ni Biazon ang mga bumabiyahe na huwag tanggapin ang anomang ipinapaking dalhin na bagay sa kanilang pagpunta sa ibang bansa lalo na kung hindi ito masyadong kakilala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply