Pagsabog sa NBP inuugnay sa away ng drug lords

INIUUGNAY ng mga awtoridad na kalaban ng katunggaling Chinese ‘drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) ang posibleng target ng ibinatong granada na sumabog sa state penitentiary nitong nakaraang Biyernes na ikinasugat ng anim na inmates.

Nabatid na pakay ng inihagis na granada ang umano’y Chinese drug lord na sinasabing kakumpitensya ng isa pang Chinese drug lord, na nakapiit din sa NBP.

Ayon sa nakalap na impormasyon, ibinaba ng kakumpitensyang Tsino ang presyo ng ibinebentang droga sa kapwa nito preso kaya nag-igting sa galit ang karibal na Tsino nang lumipat ang mga kliyente nito sa kabilang kampo.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Manuel Cosa, kasalukuyan nakatuon ang isinasagawang imbestigasyon sa sindikato ng droga na namamayagpag sa loob ng piitan.

Batay sa personal na obserbasyon, hindi umano naniniwala si Co na ang naganap na pagsabog ay may kaugnayan sa gang war dahil nakausap umano niya ang mga gang leader at sinabi ng mga ito na wala namang namumuong alitan sa kanila.

Sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ng mga imbestigador kung sino sa mga bilanggo ang may kagagawan ng pagpapasabog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply