Pagsasabatas sa Sin tax bill itutuloy bukas

HINDI natupad ang nais ni Pangulong Benigno Aquino III na agad na maisabatas ang isinusulong na Sin Tax Bill.

Ito ay makaraang mabigo ang Senado na isulong ang pagtataas sa pagbubuwis sa alak at sigarilyo nang halos kainin ang oras sa pagtalakay sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Bill matapos isinulong nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Ralph Recto ang kanilang individual amendments.

Gayunpaman, natapos naman ang period of amendments sa sin tax kasunod ng biglang ginawang caucus ng mga senador.

Nagkasundo ang mga mambabatas na P40 billion ang tatargetin na tax collection sa unang taon ng implementasyon nito.

Ang 60 porsiyento na kokolektahin na buwis ay katumbas ng P40 billion na manggagaling sa sigarilyo, habang 40 porsiyento mula sa alak.

Ipagpapatuloy ng Senado ang pagtalakay sa panukala bukas ng hapon, Martes, na isasalang na sa second at third reading.

Kapag naipasa ang panukala, sisimulan naman ang budget deliberations para sa 2013 national budget.

Matatandaang una nang ipinahayag ni Senator Franklin Drilon na maisasabatas na ang Sin tax Bill ngayong araw, kung saan siya ang awtor ng nasabing bersyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply