Pagsasapribado ng mga kumpanya ng tubig, pinalagan

HINIKAYAT ni Bayan Muna congressman Teddy Casino ang mga people’s organization na tutulan ang planong pribatisasyon ng mga kumpanya ng tubig sa buong bansa.

Ayon kay Casino, nagpapatuloy ang kampanya ng mga kapitalista na ikorporatisa ang mga kumpanya ng tubig na sinasabayan naman ng mga panukalang batas sa Senado at Kamara de Representante.

Paliwanag ni Casino, tatlumpung libong empleyado ng mga water district ang maaring mawalan ng trabaho kung mapupunta sa pribadong korporasyon ang water utilities.

Magdudulot din ito ng mas mataas na presyo ng tubig, katulad ng karanasan ng mga kliyente ng Manila at Maynilad water companies.

Naging tagapagsalita si Casino sa kumperensya na may temang Responding to the Dire Need for Potable Water among Farming Communities:  The Feasibility of PO-Managed Water Systems sa Lungsod ng Cebu kahapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply