Pagsipa sa presyo ng LPG, haharangin ng LPGMA

SISIKAPIN ng LPG Marketers Association na pigilan ang anumang pagtaas sa presyo ng kanilang LPG para sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay LPGMA Partylist Representative Arnel Ty walang aasahang pagtaas sa presyo ng cooking oil ngayong buwan.

Sinabi ni LPGMA Ty na wala silang nakikitang paggalaw sa presyo ng kanilang mga LPG.

Kasabay nito, binigyang diin ni Ty na hahadlangan nila ang price hike sa LPG para hindi maging pabigat sa consumers ngayong Christmas season.

Epektibo nito nakaraang Nobyembre 1, dakong  alas-12 ng madaling araw ay tumaas ng piso ang kada kilo o katumbas ng P11 na dagdag sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.

Paliwanag naman ng pamunuan ng Liquigaz, ito ay bunsod pa rin ng patuloy na paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply