Pagtalakay sa FOI, magiging mainit

FOI-bill

INAASAHAN na ang mainit na balitaktakan bukas, sa House Committee on Public Information dahil sa pagtalakay sa kontrobersyal na Freedom of Information bill.

Ito ang pagtaya ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng komite matapos kumpirmahin na ala 1:30 ng hapon bukas ay gagawin ang pagdinig.

“I expected as healthy and spirited debate in tomorrow’s hearing of the various FOI bill pending in my committee,” ayon kay Evardone.

Kabilang din sa tatalakayin bukas ang posibilidad na isama na lamang sa FOI bill ang Right to Reply bill na pangunahing isinulong ni Isabela Rep. Rodolfo Antonino.

Nauna rito, hinamon na ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang mga miembro ng komite na magpaka-lalaki at tindigan ang FOI bill kahit magalit pa umano si Pangulong Benigno Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply